Pinoy fish recipe tagalog version

Pinoy fish recipe tagalog version

Pinoy Recipe: Isda sa Gata na may Sarsa

1 tasang hinimay na isda
2 tasang gata ng niyog
4 na kutsarang ginadgad na keso
1 kurot na paminta
1 tasang kanin
3 itlog
1 kutsarang asin
2 kutsaritang mantikilya

Ilaga sa isang tasang gata ng niyog ang isda. Himayin ang isda saka alisin ang mga tinik. Ihalo ang mantikilya. Sa mga pula ng itlog na binating mabuti, ihalo ang isang tasang gata ng niyog, kanin, hinimay na isdang may keso, asin at paminta. Ihalo ng pabalot ang puti ng itlog na binating mabuti. Isalin sa hulmahang pinahiran ng mantikilya ipatong ito sa kawaling may mainit na tubig. Ipasok sa pugong may katamtamang init. Hanguin. Pagkaraan ng mga 30 minuto.

2 kutsarang asukal
1 kutsarang mantikilya
2 sibuyas, hiwain
2 kutsarang arina
1 tasang sabaw ng nilaga
1 kutsaritang asin
kutsaritang paminta
1 kutsarang suka

Papulahin ang asukal sa mantikilya. Ihalo ang hiniwang sibuyas. Lutuin at kung luto na ang sibuyas, isama ang arina at papulahin noise. Isalin ang sabaw. Timplahan ng asin, paminta at suka. Lutuin hanggang lumapot.

Groups

Links

Recent Comments

2007 - FILIPINO PINOY TAGALOG RECIPES - is proudly operated by WordPress
Smashing Theme is produced by: Design Disease introduced for you by Smashingmagazine.com

Go back